Sa bansang Hapon, mayroong iba’t ibang batas para sa proteksyon ng mga taong nagtatrabaho, na may kinalaman sa pagsisiguro ng kondisyon sa pagtatrabaho, kalusugan at kaligtasan ng taong nagtatrabaho, pagbabayad sa pinsala kung nagkasakit o nagkaroon ng pinsala sa katawan sa trabaho o sa pagpasok sa at pag-uwi mula sa trabaho, at iba pa. Kahit ano pa man ang inyong nasyonalidad, iniuukol ang mga batas na ito sa inyo nang pantay sa manggagawang Hapones.
日本には、働く人の労働条件や健康・安全を確保し、仕事や通勤でケガや病気になった場合の補償をするなどを内容とする働く人を守るためのいろいろな法律があります。これらの法律は、あなたがどこの国籍の方であっても、日本人労働者と等しく適用されます。
Q.1 : Nagtatrabaho ako sa panahon ng kontrata na 3 taon. Sinabihan ako ng employer na kung aalis ako sa trabaho bago magwakas ang panahong ito, magbabayad ako ng multang 500,000 yen. Totoo bang kailangang magbayad nito?
ANSWER : Ipinagbabawal ang paggawa ng employer ng kasunduan kung saan pagbabayarin ang manggagawa ng multa sa paglabag sa kontrata kung aalis sa trabaho bago ng pagwawakas ng panahon ng kontrata.
Q.1: 3年の契約期間で働いていますが、使用者から、期間が満了する前に退職したら罰金50万円を支払うよう言われましたが、本当に支払う必要がありますか。
ANSWER: 使用者は、労働者が契約期間の前に退職したら違約金を支払ってもらう、というような取決めをすることは禁止されています。
Q.2 : Lumiliban ako sa trabaho para sa pagpapagamot dahil nagkapinsala sa katawan sa aksidente sa pinagtatrabahuhan, ngunit tinanggal ako sa trabaho sa dahilang nagigipit daw ang pangasiwaan ng kumpanya. Pinapayagan ba ang ganitong pagtanggal sa trabaho?
ANSWER : Hindi maaaring tanggalin ng employer ang manggagawa sa trabaho sa panahon ng pagliban nito sa trabaho para magpagaling mula sa pinsala sa katawan na may kaugnayan sa pagtatrabaho. Subalit kung hindi na maipagpapatuloy ang negosyo dahil sa likas na sakuna o iba pang hindi maiiwasang kadahilanan, hindi ipaiiral ang probisyon ng limitasyon sa pagtanggal sa trabahong ito.
Q.2: 職場の事故でケガをしたため治療のため休業していましたが、会社経営が行き詰ったとの理由で解雇されました。このような解雇は許されるのでしょうか ?
ANSWER: 使用者は、労働者が業務上の負傷によって療養のために休業している期間は解雇できません。ただし、天災事変その他やむを得ない事由のため事業の継続が不可能となった場合には、この解雇制限の規定は適用されません。
Q.3 : Sinabihan akong walang pasok ng 1 linggo sa pabrika dahil walang trabaho, ngunit makakatanggap ba ako ng kabayaran para sa sahod sa panahong ito?
ANSWER : Kung nawalan ng pasok sa trabaho sa dahilan ng employer, kailangang magbayad ang employer sa manggagawa ng mga 60% o higit pa ng halaga ng dapat bayarang sahod.
Q.3: 仕事がないので工場を1週間休みにすると言われましたが、賃金は補償してもらえますか。
ANSWER: 使用者の都合で仕事が休みになった場合は、使用者は労働者に対して、支払われるはずの賃金の額の約60%以上を支払わなければなりません。
Q.4 : Hindi ako makapagtrabaho dahil nagkapinsala ako sa katawan habang nagtatrabaho. Binabayaran ng kumpanya ang gastusin sa pagpapagamot, ngunit hindi ako nakakatanggap ng kabayaran para sa sahod sa panahong lumiliban ako sa trabaho.
ANSWER : Ipinaiiral ang seguro para sa sakuna sa trabaho sa lahat ng manggagawa kasama ang mga dayuhang manggagawa. Sa seguro para sa sakuna sa trabaho, kung hindi makapagtrabaho at hindi makatanggap ng sahod dahil nagpapagaling para sa pinsala sa katawan o sakit na natamo sa pagtatrabaho o sa pagpasok sa o pag-uwi mula sa trabaho, maaaring tumanggap ng benepisyo (kabayaran) sa pagliban sa trabaho mula sa ika-4 na araw ng pagliban sa trabaho.
Q.4: 仕事中にケガをして、働くことができません。会社からは、治療費は支払ってもらっていますが、休んでいる間の賃金の補償はしてもらえません。
ANSWER: 労災保険は、外国人労働者も含めた全ての労働者に対して適用があります。労災保険では、業務上又は通勤途上の負傷又は疾病による療養のため労働することができず賃金を受けることができない場合、休業 4 日目からは休業(補償)給付を受けることができます。
Tingnan ang homepage ng Ministry of Health, Labour & WelfarePrefectural Labour Bureaus para sa karagdagang impormasyon Mangyaring mag-click dito